Ang Buhay ni Santa Birgitta - Pahina 1/7
Ang Buhay ni Santa Birgitta
Snulat ni Padre Pedro at Punong Pedro

Marapat malaman ninuman na itong lalong mapagpakumbababang babaeng linkod ng Diyos ay hindi nagpalagay sa sarili na tawaging esposa ni Kristo, o kanyang instrumento, upang magmapuri sa sarili o maparangalan ang sarili o kaya’y magkaroon ng pansariling kapakinabangan, ngunit dahil sa tagubilin ni Kristo at ng Pinagpalang Birheng Maria, ang lalung marapat na Ina ng Panginoon, na syang parehong tumawag sa kanya. At hindi dahil sa sariling pagpapalagay kundi dahil sa pakumbabang pagsunod sa kanila na siyay magtalaga ng sarili para sa kanyang mga sinulat.

Sa sinong magulang itong Esposa ni Kristo, ang babaing si Birgitta iniluwal.
Sa pagbasa natin tunkol sa Pinagpalang Juan Bautista at tunkol kay San Nicolas, Ang mga mabubuting katangian ng mga magulang ay madalas nagkakaroon ng puwang o kadahilanan upang ang mga supling ay magkaroon ng lalong mabuting pagpapala, na nananatili hangang wakas. Kayat ang babaing si Birgitta na may banal na ala-ala, ang Prinsesa ng Narke sa kaharian ng Sweden, ang esposa ni Kristo, ay iniluwal mula sa makatarungan at debotong mga magulang, kung saan ay katangitangi ayon sa laman sapagkat sila ay mula sa katangitanging ankan ng mga hari ng Goths, ngunit lalong katangitangi sa mga mata ng Diyos. Sapagkat ang kanyang ama ay isang deboto at makatarungang ginoo at tinatawag na Lord Birger ng sa dakong taas ng Sweden. Bawat biyernes, ang ginoong ito ay pakumbabang nangungumpisal ng kanyang mga kasalanan; at sinasabi niya ang ganito:” Sa mga araw ng Biyernes, gusto kong ihandang mabuti ang aking sarili sa Diyos upang sa mga susunod na araw ay handa akong dalin anumang ipagkaloob ng Diyos.” Binibisita din niya ng buong pagpapagal ang mga lugar ng mga santo tulad ng kay San Jaime at iba pa bilang pagsunod sa mga yapak ng kanyang mga ninuno. Sapagkat ang kanyang ama ay nagkaroon na ng relihiyosong pagdalaw sa Jerusalem. Gayundin ang ginawa ng kanyang lolo at ng ama at lolo nito. At hindi narinig na ang isang pambihirang ginoo na napakayaman at napakarangal mula sa ibayong dulo ng daigdig tulad ng kaharian ng Sweden ay pasasalaot ng ibayong paglalakbay upang marating ang mga lugar ni San Jaime at ng Jerusalem Kung saan si Jesukristo ay nabuhay at naghirap.

Sa mula dito sinabi ni kristo mula sa ibang talata ng kanyang pahayag sa nasabing esposa. “ Sinasabi ko sa iyo” ang wika “ ngunit hindi para sa iyong kapurihan, na ang iyong henerasyon ay mula sa mga salinlahi ng mga banal na hari. At sila mismo ay nakinabang, mula sa kanilang kabutihan ng loob, na ang aking mabathalang grasya ay maihayag sa pamamgitan mo.”
At kahalintulad nito ang ina ng nasabing esposa ni Kristo-ang ngalan niya ay si Lady Ingebord- ay isa ring katangitangi at lubos na deboto.

Ang ama nito na si Lord Benedict, isang ginoo na umusbong mula sa binhi ng mga hari, ay nagtatag at nagpanatili ng maraming simbahan at monasteryo. Ang asawa nitong si Benedict ay may natatagong debosyon at tumatahak ng mga landas ayon sa kanyang katangitanging kalagayan at nakaugaliang magandang katangian.. Isang panahon na sya at ang kanyang mga kasambahay ay naparaan sa isang monasteryo ng mga madre, sya ay minaliit ng isang madre at binulong sa kapwa madre and kapintasan nitong lola ni Lady Brigita . At nang sumunod na gabi, ang madreng ito ay natulog, isang taong sobrang ganda ang napakita sa kanya. Sinabi nito ng may galit na mukha., “bakit mo pinintasan ang aking linkod at sinabi na sya ay arogante, na hindi naman totoo? Sapagkat mula sa kanyang supling ay ipasisilang ko ang isang anak na babae, kung saan gagawin ko ang isang kagilagilalas na gawain ko sa mundo at ibubuhos ko sa kanya ang aking napakalaking grasya at ang lahat ng bansa ay mamamangha.”

Gayunman, nang dumating ang panahon na ang esposa ni Kristo, si Lady brigitta, samantalang nasa sunapupunan ng kanyang ina, ang kanyang ina ay nakaranas ng isang panyayari na ang barkong sinakyan nito ay nasira at lumubog sa isang lawa na krugtong ng dagat. Samantalang ang madami sa mga sakay nito ay nalunod, isang duke ng kaharian, si Lord Eric, ang kapatid ng hari ng Sweden, na nandoon nung panahon na iyon, ay nakita syang nanganganib. Ay ginawa ang lahat ng buong lakas, at dinalala sya ng buhay sa dalampasigan. At nang gabi ring iyon, isang tao na may maningning na kasuotan ang tumayo sa harap ng nasabing ina ni Lady Birgitta, at nagsabing: “ Iniligtas ka para sa kapakanan ng kabutihan na nasa inyong sinapupunan. Kung gayon, payabungin mo ito sa pag ibig ng Diyos sapagkat ang Diyos ang syang nagbigay sayo nito. “
Kung paanong ang kapanganakan ng Esposa ni Kristo ay ipinahiwatig sa isang pari.
At noon, sa pagsapit ng oras ng kapaganakan ng batang si Birgitta, isang pari sa kalapit na simbahan- isang ginoong napatunayan na ang pamumuhay at ngunguna sa bilang ng mga taon- habang gising sa pananalangin, ay nakita sa gabi ang isang maningning na ulap, sa ulap na ito, nakaupo ang isang birhen na may tangang aklat sa kanyang kamay. Sa nagugulumihanang pari sinabi ng birhen ang ganito: “Kay Birger ipinanganak ngayon ang isang sangol na babae kung saan ang pambihirang tinig ay madidinig sa buong mundo.”
Kung paanong ang batang si Birgitta ay parang hindi makapagsasalita sa kanyang unang tatlong taon.
At noon, habang lumalaki ang batang si Birgitta, ay tila walang dila sa loob ng tatlong taon at hindi nagsasalita. Dito nababahala ang kanyang mga magulang sa pangambang sya ay isang pipi; ngunit sa katapusan ng ikatlong taon, ay ganap syang nakapagsalita ng hindi nauutal katulad ng karaniwang bata, At, salungat sa mga natural na pangyayari sa mga may gayong edad, ay nabibigkas niya ang mga kataga ng tamang tama lamang.
Kung paanong ang ina ni Birgitta ay namatay.
Samantala ang kanyang ina, mayaman sa kabutihang asal, ay pahina nang pahina. Sa mga araw na dumaraan ay ipinahiwatig niya ang kanyang nalalapit na kamatayan: at nang malapit na siyang humiwalay sa kanyang katawan at makita ang asawa at ang iba pa na nagdadalamhati, ay winika ang ganito; Bakit kayo nagdadalamhati? Tama na ang mabuhay ng ganito katagal. Dapat tayong magsaya sapagkat akoy tinatawag na sa makapangyarihang Diyos.” At matapos tawagin ang mga anak, ay pinagpala niya sila lahat at nahimlay sa Panginoon.
Kung paanong , nung sya ay bata pa ay nakakita ng mga Kamanghamanghang mga bagay.
At gayun nga, nang ang batang si Birgitta, ang esposa ni Kristo, ay nasa ikapitong taong gulang, ay minsang nakakita, samantalang sya ay gising, ng isang altar sa harap ng kanyang higaan at isang babae na may maningning na kasuotan ang nakupo sa ibabaw nito. Ang babae ay may hawak na napakamahalagang korona sa kanyang kamay at winika sa kanya;” Oh Birgitta, Halika!”
Pagkarinig dito, bumangon sya sa higaan at patakbong tumungo sa altar. Sinabi sa kanya ng babae;” gusto mo bang maging iyo koronang ito?” Sya ay tumango at ipinatong ng nasabing babae ang korona sa kanyang ulo at naramdaman ni Birgitta na ang bilog nito ay dumampi sa kanyang ulo. Ngunit nang sya ay bumalik sa kanyang higaan, ay nawala ang pangitain; ngunit hindi na nya ito malimutan.
Paano nya nakita si Kristong nakapako sa krus.
Sa pagikot ng kanyang edad sa ikasampung taon, sa isang okasyon ay napakingan niya ang isang homilya sa simbahan tunkol sa paghihirap ng ating panginoong Hesukristo. Nang sumunod na gabi ay nakita niya, sa isang panaginip, si Kristo na wari bagang ipinako sa gayong ding oras, at sinabi sa kanya: “ sa ganyang kaparaanan ako ay nasugatan.” Sa pagaakala niyang iyon ay nagyayari sa ganon ding oras at sumagot sa pagkatulog: “ Oh panginoon, sino ang gumawa nito sayo?”

Sumagot si Hesukristo: “ Yaong mga hindi kumikilala at nagwawalangbahala sa aking pag ibig: sila ang gumawa nito sa akin.” At sya ay bumalik sa sarili; At simula nang araw na iyon, ay nadama niya ang matimyas na damdamin na bihirang maaalaala niya ito ng hindi sya lumuluha.
Paanong ang din kilalang batang babae ay nakitang katabi niya.
Isang araw sa kanyang ikalabingdalawang taon, sila ay pinagawa ng mga gawaing niyayari sa ginto at tela kasama ng iba pang mga batang kasing edad niya. Balisa siya sapagkat hindi niya magawa ang sa palagay niya ay dapat niyang gawin. Sa papasok sa bahay ang kanyang tiya, isa ring deboto at butihing babae na siyang nagaalaga sa kanya mula nang mamatay ang kanyang ina. Nakita nito ang isang di kilalang babae na gumagawang katabi ni Birgitta, ngunit bigla itong nawala sa kanyang pagpasok kayat tinanong niya si Birgitta kung sino ang babaing kasama niyang gumagawa.
Sumagot si Birgitta na wala siyang nakitang sinoman sa tabi niya. Gayunman nang tignan ng kanyang tiya ang kanyang ginawa ay namangha ito sapagkat ang gayong gawain ay di magagawa ng isang bata na may gayong edad kundi ito ay isang gawaing divino. Sa gayon ibinilang iyon ng nasabing ginang na isang bagay mula sa diyos at isinama sa kanyang mga iniingatang mga relic.