Ang Buhay ni Santa Birgitta - Pahina 6/7
Paano nay pinigilan ang isang hari sa pagkalap ng di makatarungang buwis at pagpupuri.

Nang ang hari ng Sweden ay kinakailangang magbayad ng malaking halaga ng pera at kumikilos upang ipapasan sa mga mamamayan ng kaharian ang bigat na dala-dala nito na labag sa batas at sa kanyang sinumpaang tungkulin, ay sinabi sa kanya ni Lady Birgitta “Aking Hari, huwag mong gawin iyan; sapagkat hindi ka makatatagal sa poot ng Diyos sa halip ay kunin mo ang dalawa kong anak; at gawin mo sila bilang mga bihag hangang sa ikaw ay makabayad; at huwag mong salungatin ang iyong Diyos.” At sa araw ding iyon, ay dumating sa kanya ang sumusunod na pangitain na kung saan ay nasalita si Kristo kay Lady Birgitta at sinabi ang ganito: Manapa’y kung paanong ang kaharian kung minsan ay naililigtas sa pamamagitan ng kawang gawa ng isang tao, gayun naman ang ibang kaharian ay tuluyang nawawala dahil sa mga bagong likha ng isang tao at mabigat na pagpataw ng buwis.

Ibibgay ko sa iyo ang isang halimbawa ng ganitong pangyayari sa sumusunod na kaharian. Sapagkat ang mismong hari ay sa salapi nagtiwala-pinapalapat ng pandaraya o ng di tunay na hustisiya mula sa kanyang mamamayan at mula sa mga manlalakbay-ng higit sa pagtitiwala sa akin. Sa gayon, ay nawala ang kanyang buhay at iniwan ang kanyang kaharian sa kaguluhan.

Ang ibang humalili sa kanya ay ginawang kaugalian ang kanyang baluktot na imbensiyon, at, kung paanong gayon nga, ay isinabatas ito. Ngunit kung ang hari ay magtitiwala sa akin, ang kanyang Diyos, at ang mga mamamayan ay humiling ng gabay na may kawang gawa, sa gayon ay maililigtas ko at mapapanatili sila ng mas madali sa kapayapaan dahil sa gayong kawanggawa. Samakatuwid kung ang hari ay gustong umunlad, tuparin nay ang kanyang mga pangko sa akin at panatilihin ang katotohanan sa komunidad na kanyang nasasakupan; at maging maingat siya na maghayag ng mga bagong imbensiyon o pagpaparangal o ng mga teknikalidad. Sa kanyang kagulumihanan, bayaang sundin niya ang mga payo ng mga taong may banal na takot sa Diyos, at huwag ang mga payo ng mga mapagnasa; sapagkat mas makabubuti na magdusa ng ilang kapighatian sa daigdig na ito kaysa may kaalamang magkasala sa akin at sa kanyang sariling kaluluwa.”

Kung paanong ang diyablo ay nais siyang dayain.
Isang araw, habang si Lady Birgitta ay patungo, sa tuntunin ng Espiritu, upang dalawin ang isang lalaki na hinahalinhan ng diyablo, ang kabayong nakaugalian na niyang gamitin, na dating napakaamo, ay bigla na lamang umalma, sukat na ang sapatos sa harap na mga paa ng kabayo ay makita na lahat. Dahilan sa pag almang ito, si Lady Birgitta ay nagtiis ng pagsakit ng likod sa mahabang panahon, kung saan ay ipinaunawa sa kanya na ang diyablo ay pinigilan ang pagbabalik loob ng makasalanang ito. Sa katotohanan ang lalaking iyon na bibisitahin ay isang marangal, ayon sa panuntunan ng sanlibutan, at isang maringal-ay ginugulo ng diyablo; at lalo na sa kanyang presensiya, ay lalong pinapalala, kung paanong, mas malala pa kaysa dati.

Pagkatapos ang nasabi ding lalaki ay nagsalita ng maraming mga nakapangingilabot na mga bagay patunkol sa Diyos at sinabi sa kaniya: “ Oh anong pagkakaiba ng iyong espiritu na sumasaiyo at ng aking espiritu na sumasaakin! Ngunit kung nanaisin ng espiritung sumasaiyo, ako ay ganap na gagaling; sapagkat siya mismo, dahil sa aking hindi paniniwala at ng aking natatagong pagkukulang, ay ipinaubaya ako sa malupit na kamay ng mangigipit.” Ngunit sinagot nya siya: ”Ipinapangako ko sayo na madali kang gagaling, ngunit bakit ka nagsasalita ng gayong kalapastanganan sa Diyos.” At sinabi niya: “hindi ako ang naghahari sa sarili ko.” Pagkatapos niyang sabihin ang katagang ito, ay nagsimula siyang magsalita, katulad ng dati, ng lalong mapapait laban sa Diyos at upang lapastanganin siya, sa pagsasabing: “ Siya na may likha ng langit at lupa, ay sinasamba ko; patunkol sa bago mong Diyos na si Kristo, ay manahimik ka!” At pagkatapos non ay sinabi ng esposa ni Kristo: “ Tumahimik ka, kasuklam-suklam na diyablo, sa iyong mga pananalita laban sa Diyos; sapagkat kung ikaw man ang tigapagpahirap ng nilikhang ito, hindi pa rin ikaw ang walang hangang nagmamayari ng kanyang kaluluwa.” Kapagdaka’y ang taong iyon, na para bagang biglang nanlata, at tumanimik; ngunit pagkatapos ng ilang araw, siya ay gumaling.

At isa pang himala ang nangyari. Sa isang pahayag, mabathalang sinabi sa nabangit na si Lady Birgitta na sa kapakanan ng Diyos siya ay magbigay ng panuntunan sa isang kapatid na si Pedro tunkol sa hanay ng mga Cistercian sa monasteryo ng Saint Mary sa Alvastra sa Sweden- upang isulat ang mga aklat ng mga pahayag na mabathalang ipinagkaloob sa nasabi ding si Lady Birgitta sa espiritual na pangitain. Ang taong ito ay isang napaka simpleng lalaki; At kahit kailan ay hindi itinalaga ang kanyang sarili sa pagsusulat; sapagkat pinapalagay niyang hindi dapat ang sarili, dahil sa kanyang kawalan ng kaalaman dito, at hindi pagiging marapat na gumawa ng higit na dakilang gawain. At sya ay pinaramdaman ni Kristo ng takot sa kamatayan-at halos mamatay-hangang sa sya ay sumang ayon. At ng ipagkaloob na niya ang kanyang pagsang ayon, sya ay dagliang gumaling ng walang lumilipas na saglit.

Gayon nga rin sa isang inaalinhan ng demonyo sa East Gothland. Sa presensiya ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi, sa salita mula sa bibig ng nasabing relihiyoso-mga salita kung saan ay mula sa babaing ito na narinig kay Kristo at kung saan ay sinabi ng kapatid na ito sa isang demonyo ayon sa panuntunan ni Kristo-gayon nga ang inaalinhan ay nalinis.

Dagdag pa dito, isa pang inaalinhan sa Sweden ang nalinis sa katulad ding paraan ng nasabing relihiyoso, sa harap ng mga mapagkakatiwalaang mga saksi, sa tuntunin ng nabangit na si Lady Birgitta.

Dagdag pa, sa pamamagitan ng Pinagpalang Birheng Maria, kung saan kasama ni Kristo ay napakita sa nasabing si Lady Birgitta, ang isang babaing mababa ang lipad ay napagbago sa pamamagitan ng panalangin ng nasabi ring si Lady Birgitta. Dagdag pa, ay maraming mga mayayaman at maimpluwensiyang mga tao sa kaharian ng Sweden ay napagbago rin ng sa isang lugar at oras- liban sa mga ayaw tumangap kay Kristo- ay naranasan nila ang paggalaw ng kanilang mga puso tungo sa kabutihan: isang paggalaw na ginawa niya sa pamamagitan ng mga salita ng nasabing si Lady Birgitta at ang kanilang mga ikinumpisal ay kanyang dinala.
Kung paanong si Lady Birgitta ay hinatulan ng isang obispo sa kanyang puso at kung anong bagay ang dumating sa kanya.
Isang panahon, sa isang handaan, habang ang esposa ni Kristo ay nakaluklok sa isang upuan kasama ang isang debotong obispo at, sa paggalang sa Diyos, ay pinaunlakan ang mga masasarap na nakahain, siya ay hinatulan ng obispo sa kalooban nito sa kanyang isip; sapagkat sinabi niya sa kanyang puso: “Bakit kaya ang babaing ito na may dakilang espiritu ay hindi nag pipigil kumain ng masasarap na pagkain?” Gayon nga, sa oras ng pagsamba, siya sa sarili niya, nang hindi namamalayan ng gayong mga iniisip ng obispo, ay narinig ang mga bagay na ito sa espiritu: “ Sabihin mo sa obispo, ‘Ako ay siya na pumupuno sa mga pastol ng aking espiritu. Dahilan ba ito sa pag aayuno ng mga pastol? Ako ay siya na gumawang propeta sa mga may asawang lalaki . Ano ang kanilang ginawa upang maging karapatdapat dito? Ako ang nag utos sa isang propeta na mag asawa ng isang mangangalunya. Hindi ba siya sumunod? Ako ay siya ring nakipag usap kay Job sa kanyang kaluguran nang siya ay maupo sa mga dumi ng hayop.

Sa gayon, sapagkat ako ay puno ng kadakilaan, Ginagawa ko ang lahat ng bagay na nakalulugod sa akin nang hindi umaasa sa mga bagay na nagpapagiging karapat-dapat dito.’ “ At pagkarinig nito, ay napagtanto ng obispo ang kanyang sarili at ngayon ay pakumbabang hiniling niya kay Lady birgitta na ipanalangin siya. At pagkatapos, sa pangatlong araw, ang bukod na Pinagpalang Birheng Maria ay napakita sa pareho ring esposa ni Kristo at sinabi sa kaniya: “Sabihin mo sa naturang obispo na dahil kinagawian niya na simulan ang lahat ng kanyang homilya sa pagpupuri sa akin at sapagkat ang kanyang hatol ay kanyang ginawa dahil sa pamamahal at hindi dahil sa pagkainggit, ang kanyang pagmamahal ay aani ng kabutihan. Sabihin mo sa kanya samakatuwid, na ninanais kong maging isang ina sa kanya at ninanais ko rin na ihayag ang kanyang kaluluwa sa Diyos. At ngayon ipapaliwanag ko sa iyo kung paanong siya ay ikapitong hayop sa mga hayop na naipakita na sa iyo at kung paanong dadalhin niya ang aking mga salita sa harap ng mga hari at ng mga may matataas na katungkulan sa simbahan. “ Itong pahayag tunkol sa pitong hayop ay mas buong nakatala sa aklat ng mga pahayag.
Kung paanong si Lady Birgitta ay bumalik mula sa hari ng Sweden at paanong ang kanyang anak ay namatay.
At ngayon, nang si Lady Birgitta ay bumalik na mula sa hari ng Sweden tungong monasteryo ng Alvastra, napag alaman niya na ang kanyang anak-na, nung siya ay umalis, ay matagal nang may dinaramdam at ngayon ay nasa kalubhaan. At umiyak siya ng lubos dahil sa matagal nitong pagkakasakit at ipinalagay na nangyayari ito dahil sa mga kasalanan ng kanyang mga magulang. Nang magpakita ang diyablo sa kanya at sinabi” Bakit, babae, sa lahat nitong tubig ng luha, ay pinalalabo mo ang iyong paningin at nagpapagal ng walang katuturan? Makaaakyat ba ang tubig sa langit?” sa gayon ding oras, ang Kristo ay napakita sa kanyang esposa sa kanyang taong anyo at sinabi: “ Ang pagkakasakit ng batang ito ay hindi dahilan sa mga kalipunan ng mga bituin-tulad ng sinasabi ng mga hangal-o dahilan sa kanyang mga kasalanan. Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang pisikal na kondisyon at sa gayon ang kanyang korona ay maging mas higit..

Samakatuwid, kung siya sa ngayon ay tinatawag sa kanyang sariling pangalang Benedict, anak ng Ulf, Simula ngayon siya ay tatawaging anak ng mga luha at panalangin; at wawakasan ko na ang kanyang kapighatian. Sa katunayan, sa ikalimang araw pagkatapos, ay narinig ang pinaka matamis na awit, kung saan, ng mga ibon sa pagitan ng higaan ng bata at ng dingding; at, masdan, pagakatapos ang kaluluwa ng bata ay lumisan; at ang Banal na Espiritu ay nagsabi sa nasabi ring Lady Birgitta: “Masdan mo kung ano ang nagagawa ng mga luha! Ngayon ang anak ng mga tubig at dumating na sa kanyang kapahingahan. Samakatuwid ang diyablo ay namumuhi sa mga luha ng mabubuting tao, na nagmumula sa mabathalang pag mamahal.”
Tunkol sa isang kapatid na naratay sa kayang karamdaman sa loob ng tatlong araw at higit pa.
Sa nasabing monasteryo ng Alvastra, may isang lay brother ng banal na pamumuhay ay nakaroon ng karamdaman sa loob ng tatlong taon at higit pa. Sa utos ni Kristo, ang kanyang esposa ay binisita ito at sinabi sa kanya:” Magbalik loob ka ng may higit na atensiyon sapagkat mayroon kang ikinukubli sa iyong puso. Habang patuloy mo itong ikinukubli ay hindi ka maaaring mamatay.” Nang tinugon niya ito ay wala siyang inilihim sa pag aayuno, Sinabi niya: “ Itanong mo kung ano ang iyong intensiyon nang pumasok ka sa monasteryo at kung anong intension nabubuhay ka sa ngayon.” Pagkatapos siya ay napuno ng luha at sinabi: “ Pagpalain nawa ang Diyos na nagbigay sa iyo sa akin. Ngayon na ikaw ay nagsalita, nais kong ipahayag ang katotohanan; sapagkat mayroon nga akong itinatago na hindi ko pinangahasang ibunyag sapagkat, sa tuwing ako ay magbabalik loob, ang aking dila ay tila natatali, at pinagsasalikupan ako ng matinding hiya kayat ang bagay na ito ay hindi ko mabuksan.

Kaya, sa tuwing ako ay nangungumpisal, ay umiimbento ako sa aking sarili ng mga bagong konklusiyon sa aking mga salita, at sinasabi sa huli: ‘ Idinidiklara ko sa Diyos at sa mga banal ng Diyos na ako ay umaamin sa lahat ng aking mga pagkakasala na sinabi sa inyo, Father, at sa lahat ng aking hindi nasabi.’ Naniwala ako na sa pamamagitan ng ganitong konklusiyon, lahat ay mapapatawad. Ngunit ngayon, kung ikalulugod ng Diyos, ay ikalulugod kong sabihin sa buong mundo.” At nang tinawag na ang kompesor, ay ipinaliwanag niya ang lahat-lahat nang lumuluha; at pagkatapos noon ay hindi na siya nagtagal.
Tunkol sa tukso ng katakawan kung saan si Lady birgitta ay tinukso.
Ngayon isang panahon, si Lady Birgitta ay grabeng tinukso ng katakawan na sa gutom, ay halos di na makapag isip ng kahit ano. Hangang, sa pamamagitan ng espiritu, ay nakakita siya ng isang maitim na tao na may hawak na pagkain at tinapay at ang isang napakaguwapong kabataan na may hawak na marangyang sisidlan. At winika ng kabataan: “ Bakit mo iniinganya ang babaing iyan na nasa aking pangangalaga?” Sumagot ang taong maitim: “Sapagkat nadadakila siya sa pagpipigil na di sa kanya; sapagkat di siya tumitigil hangat di puno ang kanyang tiyan ng mga maselang na dumi. Kayat hawak ko ang pagkaing ito upang ang walang lasang iyan ay maging masarap, para sa kanya.”

Sumagot ang kabataan “ Alam mo naman na di siya tulad natin na di materyal ang kalagayan ngunit, sa halip, ay isang sisidlan na gawa sa lupa. Sapagkat ang lupa ay malambot at walang kapahingahan, ay kailangan niya ang patuloy na pag-aayos ng sarili..” Winika ng maitin na tao: “ ang iyong Kristo ay nag ayuno, nang wala siyang kinakain; at ang mga propeta ay kumain ng tinapay at uminom ng tubig nang katamtaman. Dahil dito ay nakamtan nila ang kataasan ng mga bagay.

At papaano ang babaing iyan ay magkakamit kung lagi siyang sagana?” Sumagot ang kabataan: “ Hndi ba iyo din si Kristo tulad ng sa amin?” Kung saan ang kabila ay sumagot: ”Hindi kailan man! Sapagkat hindi ako magpapakababa sa harap niya sa halip ay kikilos ng salungat sa kanya sapagkat hindi ako babalik sa kanyang kaluwalhatian!”
Sumagot ang kabataan: “ Ang ating Kristo ay tinuruan tayo na mag ayuno, nang hindi labis na magiging sanhi ng matinding paghina ng katawan, kundi upang maging mababang loob at huwag yumabong ng lihis sa kanyang kaluluwa. Ang ating Kristo ay hindi humihingi ng ng mga bagay na imposible sa kalikasan kundi katamtaman lamang; hindi niya hinihingi ang kalidad o dami ng kinakain ng isang tao, kundi, ang kalidad ng intension at pag ibig ng isang kumakain.”

Kung saan sinabi ng maitim na tao: “ Makatarungan lang na ang hindi naranasan ng babaing iyan nung kabataan ay danasin niya sa katandaan.” Patangging nagsalita ang kabataan: Ang lalong higit na kapuripuri ay ang pag iwas sa kasalanan. Walang balakid sa kalangitan madilim man ang kulay o maselan ang laman kung ito ay may kalakip na pagibig sa Diyos. Kung minsan ang nakaugalian ng isang tinuturuan ay dapat na panatilihing mabuti, ng may pasasalamat, kung hindi ay seryosong hihina ang laman.”
Pagkatapos nito, sa katulad ding oras, ang Birheng Maria ay napakita sa kanya- suot ang isang korona- at winika sa taong maitim: “Tumahimik ka, ikaw na isang negosiyador; tignan mong mabuti, sapagkat siya ay inihabilin sa akin!” At ang taong maitim ay nagsalita: Kung hindi ako makagagawa ang anuman,” ang sabi niya,” ay magsasaboy ako ng mga sanga ng tinik ni Kristo sa mga dulo ng kanyang damit.” Kung saan sinabi ng Birhen: “ Tutulungan ko siya. Kung gaano kadalas mo isaboy iyon, ganoon din iyon ay babalik at isasaboy sa iyong mukha; at ang korona niya ay madodoble.” Hindi nagtagal pagkatapos ng pangitaing ito, ang buong tukso sa katakawan ay inalis.
Kung paanong siya ay tinukso sa pagdarasal.
Sa kanyang pananalangin, ang esposa ni Kristo ay manakanakang tinutukso kahit na ng maruruming pag iisip. Ang Pinagpalang si Maria ay napakita sa kanya at sinabi: “ Ang diyablo ay tulad ng espiya na punong puno ng ingit, naghahanap siya ng maipipigil at maiaakusa sa mga mabubuti. Sa gayon higit na lalong manalangin habang ikaw ay tinutukso sapagkat ang iyong nasa at mainam na pagpapagal ay ibibilang sa iyong panalangin; at kung hindi mo maialis sa iyong pag iisip ang maruming mga bagay na dumarating dito, ang mga pagpapagal na iyon ay ibibilang sa iyong kagalingan kung ang mga ito ay hindi mo ikinatutuwa at labag sa iyong kalooban.”
Kung paanong ang panalangin ng esposa ng Diyos ay kapakipakinabang sa isang tao.
Isang relihiyoso ang tinukso sa loob ng labindalawang taon tungkol sa sakramento ng katawan ni Kristo at tunkol sa ngalan ng Pinagpalang Maria, kung saan ay hindi niya mapangalanan ng hindi nagiisip ng maruming bagay at kalapastanganan.. At sa mahabang panahon ay iniiwasan niya pati ang pagbibigay galang sa mga anghel. Pinakiusap niya ng may mga luha sa mata kay Lady Birgitta, ang esposa ni Kristo, Na manalangin para sa kanya; at, sa pagkakamit ng kanyang panalangin, siya ay lubhang pinalaya, na pagkatapos niyon, ay bihira na niyang banggitin ang pangalan ng pinagpalang Maria ng walang kaligayahan; at ang Katawan ng Kristo ay naging Matamis para sa kanya na hindi siya mapahinga sa isang araw na hindi siya nakakapagsimba.

Sa mahabang panahon, itong nasabing lalaki ay nagnanasang dumalaw sa mga banal na lugar sa Jerusalem; ngunit, dala ng pagsunod at dahilan sa kanyang propesyon ay hindi siya naphintulutang gawin iyon. Nang siya ay nasa extremis, siya ay inaliw at nakita ang lahat ng iyon sa espiritu na katulad ng nakita ng mga taong napunta na doon; at matapos niyang ihayag ang mga pagkakaayos ng mga lugar na iyon sa mga taong nakapunta na doon, siya ay yumao na, na itinataas sa Panginoon.