Ang mga lubhang mapagmahal na mga salita ni Kristo sa kanyang esposa na naglalaman ng kahangahangang larawan ng marangyang kastilyo, na kumakatawan sa tagapagtangol ng simbahan, at tukol sa kung paanong ang simbahan ng Diyos ay muling itatayo ngayon sa pamamagitan ng mga panalangin ng pinagpalang birhen at ng mga santo.
Aklat 1 - Kabanata 5

Ako ang lumikha ng lahat ng bagay Ako ang Hari ng gloria at ang Panginoon ng mga anghel. Nagtayo ako para sa aking sarili ng marangyang kastilyo at inilagay dito ang aking mga hinirang. Pinahina ng aking mga kaaway ang pundasyon nito at pinanaigan ng lubos ang aking mga kaibigan na ang lakas ng mga kasukasuan ng kanilang paa ay maubos sa kanilang paupong pagkakagapos sa lapag ng kaparusahan. Ang kanilang bibig ay winasak ng mga bato, at sila’y pinapahirapan ng gutom at uhaw. Dagdag pa dito, ay inuusig ng mga kaaway ang kanilang panginoon. Ang aking mga kaibigan ngayon ay nagmamakaawa at tumatangis sa paghingi ng tulong; Ang katarungan ay humihingi ng paghihiganti, ngunit ang awa ay nagsasabing magpatawad.

Pagkatapos nito ay sinabi ng Diyos sa mga nilalang sa langit na nangakatayo: “ Ano sa palagay ninyo ang nararapat gawin sa mga taong ito na sumisikil sa aking kastilyo? “ Lahat sila ay sumagot ng may iisang tinig: “ Panginoon, ang lahat ng katarungan ay nasa iyo at sa iyo nakikita namin ang lahat ng bagay. Lahat ng paghatol ay ibinigay sa iyo, ang Anak ng Diyos, ang nananatili na walang simula at walang wakas, ikaw ang kanilang hukom,” at sinabi niya: “ Kahit na alam ninyo at nakikita ang lahat sa akin, datapwat alang alang sa aking magiging esposa na narito ngayon, ay sabihin ninyo sa akin kung ano ang makatarungang hatol.” Sinabi nila “ Ito ang katarungan: na yaong mga hagpahina sa mga pader ay parusahan na tulad ng isang magnanakaw, na yaong mga nananatili sa masama ay parusahan na tulad ng mga mapaniil. At ang mga bihag ay palayain at ang mga nagugutom ay bigyan ng kabusugan.”

Sa gayon nagsalita si Maria, ang ina ng Diyos. Na nanatiling tahimik sa mga naunang pagpapalitan, at sinabi niya: “ Aking panginoon at pinakahihirang na anak, ikaw ay sumaaking sinapupunan bilang tunay na Diyos at tao. Nagpaka aba ka upang pabanalin mo ako na isang lupang sisidlan. Nagmamakaawa ako sa iyo: Kaawaan mo silang muli!”
Tinugon ng Panginoon ang kanyang Ina: “Pinagpala ang salita ng iyong bibig! Tulad ng matamis na halimuyak ay pumapailanlang ito sa Diyos. Ikaw ang Glorya at ang Reyna ng mga anghel at ng lahat ng mga santo, sapagkat ang Diyos ay binigyan mo ng kaluguran at ang lahat ng mga santo ay iyong binigyan ng kasiyahan. At sapagkat ang iyong kalooban ay tulad ng sa akin mula pa ng magsimula ang iyong kabataan, ay muli kong gagawin ang iyong ninanais. “ Pagkatapos niyon ay sinabi niya sa mga nilikha sa langit: “ Sapagkat buong tapang kayong nakibaka, para sa kapakanan ng inyong pag ibig ay hahayaan kong ako’y mapahinuhod sa ngayon. Masdan niyo, muli kong itatayo ang aking pader sa kapakanan ng inyong mga panalangin.

Ililigtas ko at pagagalingin yaong mga nasiil ng sapilitan at pararangalan sila ng makaisangdaang ulit para sa pang aabusong nagpahirap sa kanila. Kung ang mga gumagawa ng mga bayolenteng gawain ay humingi ng awa, Kapayapaan at awa ay sasakanila. Ang mga mamumuhi dito ay daranas ng aking hustisya. “ Pagkatapos niyon ay sinabi niya sa kaniyang magiging esposa: “ Aking esposa, pinili kita at dinamtan sa aking espiritu. Narinig mo ang aking mga salita at ng aking mga banal kung saan, kahit na nakikita nila ang lahat ng bagay sa akin, ay nagsalita pa rin para sa iyong kapakanan, upang sa gayon ay iyong maintindihan. Sa isang banda, ikaw na kasalukuyang nasa katawan, ay hindi nakikita sa akin ang tulad ng nakikita nilang mga espiritu. Ipakikita ko ngayon sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Ang kastilyong aking sinasabi ay ang Banal na Simbahan, na itinayo ko sa pamamagitan ng aking dugo at niyong mga santo. Binuhusan ko ito ng aking pag ibig at pagkatapos niyon ay inilagay ko dito ang aking mga hinirang at mga kaibigan. Ang pundasyon nito ay pananalig, ang ibig kong sabihin ay, ang paniniwalang ako ay makatarungan at maawaing hukom.

Ang pundasyon nito ngayon ay pinahina sapagkat lahat ay naniniwala at itinuturong ako ay maawain ngunit halos walang naniniwala sa akin bilang makatarungang hukom. Iniisip nila na ako ay isang masamang hukom. Ang isang hukom ay talagang masama kung dahil sa awa ay hahayaan niyang huwag maparusahan ang masama sa gayon lalo nitong masisiil ang matuwid. Ngunit ako ay isang makatarungan at mahabaging hukom at hindi ko hahayaang kahit na ang pinakamaliit na kasalanan ay hindi maparusahan o ang pinaka maliit na gawang mabuti ay hindi mabigyan ng gantimpala.
Dahil sa pagkahina ng dingding na ito, ay nagsipasok sa Banal na Simbahan ang mga taong nagkakasala ng walang takot, sila na itinatangging ako ay makatarungan at pinahihirapan ang aking mga kaibigan sukdulang ilagay sila sa isang instrumento ng pagpapahirap na kung saan ang kanilang ulo at kamay ay nakaipit upang pagtawanan at abusuhin. Wala man lang aliw o pampalubag na ibinibigay sa aking mga kaibigan na ito.
Sa halip sila ay pinarurusahan at nilalait na tulad baga na sila ay inaalinhan ng demonyo. Kapag sila ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa akin, sila’y pinatatahimik at pinagbibintangang nagsisinungaling. Nangauuhaw sila sa pananabik na makarinig at masalita hingil sa katotohanan ngunit walang mangakinig at mangagsalita sa kanila ng katotohanan.

Dagdag pa dito, Ako, ang Diyos na lumikha, ay nalalapastangan. Sapagkat sinasabi ng mga tao:’ Di namin alam kung may Diyos. At kung mayroon man, wala kaming pakialam. ‘ Itinatapon nila sa lupa ang aking bandila at tinatapak tapakan ito, at sinasabing: ‘Bakit siya naghirap? Anong mabuti ang dulot niyon sa amin? Kung ibibigay niya ang aming mga kahilingan, ay masisiyahan na kami- itago na lang niya ang kanyang kaharian at ang kanyang kalangitan!’ Ninanais kong lumapit sa kanila, ngunit sinasabi nila: ‘ Mamamatay muna kami bago namin ibigay ang aming sariling kalooban!’ Aking esposa, nakita mo na kung anong klase ng tao sila! Ginawa ko sila at mapupuksa ko sila sa isang salita lamang. Napaka walang galang nila sa akin. Salamat sa mga panalangin ng Aking Ina at ng lahat ng mga santo, Ako ay nananatiling mahabagin at matiyaga na payag
Ako ngayon na ipadala sa kanila ang mga salita ng aking bibig at ialok sa kanila ang aking awa.

Kung nanaisin nilang tangapin iyon, ay mapapahinuhod Ako. Datapwat kung hindi ay malalaman nila ang aking hustisya at, tulad ng mga magnanakaw, ay malalagay sila sa kahihiyan sa harap ng mga anghel at mga tao at pararatangan ng bawat isa sa kanila.
Tulad ng mga kriminal na nasa bitayan na nilalapa ng mga mababagis na ibon, ay lalapain sila ng mga dimonyo ngunit di sila mauubos. Katulad ng mga taong nahatulan ng kaparusahan at walang kapahingahan, makararanas sila ng sakit at kapaitan sa lahat ng dako. Isang nakapapasong ilog ang dadaloy sa kanilang nga bibig ngunit ang kanilang mga tiyan ay di mangapupuno. At silay mangababaguhin para sa kanilang mga kaparusahan sa bawat araw. Ngunit ang aking mga kaibigan ay mangaligtas at sila ay aaliwin ng mga salitang nagmumula sa aking bibig. Makikita nila ang aking katarungan kalakip ng aking awa. Daramtan ko sila sa sandata ng aking pag ibig at gagawin ko silang napakalakas na ang mga sumasalungat sa pamamampalataya ay madudulas pabalik na tulad ng putik. Kapag nakita nila ang aking hustisya, ay matatayo sila sa walang hangang kahihiyan dahil sa pag abuso sa aking pagtitiyaga.”